Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng pagsasanay ukol sa Retooling of the Philippine Rice Information System (PRISM) Regional Implementers for the Updated Field Protocols noong ika-5 hanggang ika-7 ng Disyembre sa Savannah Resort Hotel, Angeles City, Pampanga.Ito ay sa pangunguna ng Rice Program na may layuning turuan ang mga Data Collectors ng Updated Field Protocols gamit ang isang web based mobile application sa pagmonitor ng mga selected rice areas.

Ang mga monitoring fields ay mula sa San Miguel, Bulacan, Hermosa Bataan, Floridablanca, Pampanga at Concepcion, Tarlac.Dinaluhan ito nina Regional PRISM Coordinator Memito Luyun III, Rice Program Report Officer Agriculturist II Mario Somera, Project Assistant II Ronel Santos, Project Assistant II Roger Pasetes, Agriculturist I Billy Roy Aquino at PhilRice-PRISM Supervising Science Research Specialist Mary Rose Mabalay.

Sa unang araw ay ibinahagi ang Overview of PRISM, PRISM Output for 2021 2nd Sem – 2022 1st Sem, Growth Stage of Rice, Good Practices During Field Data Collection at Review of PRISM Field Protocol.Sa ikalawang araw ay umikot ang talakayan sa pagpapatuloy ng PRISM Field Protocol, Assessment of Data Products, Assessment of Field Protocols and Data Collection at Overview of Prism Website.

Para naman sa huling araw ng pagsasanay, tinalakay ang Overview and Assessment of PRISM Analytics, Planning for 2023 1st sem PRISM Implementation at Open Forum.

Ang mga nagsilbing Resource Speaker para sa tatlong araw na pagsasanay ay sina PhilRice-PRISM Senior Science Research Specialist Pristine Mabalot, PhilRice-PRISM Science Research Specialist II Meriam CoƱado, PhilRice-PRISM Science Research Specialist 1 Aljon King Galletes, Information Systems Researcher III Ma. Angelique Dela Cruz at Field Operations Division Head, Isabela PhilRice-PRISM Science Research Specialist II Darlyne Kaye Matias.

Kasama rin sa dumalo sa nasabing pagsasanay ang mga Provincial PRISM Coordinators mula Bataan, Bulacan at Pampanga.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon