Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang Kadiwa ng Pasko nitong ika-21 ng Disyembre sa Barangay Mulawin, San Jose del Monte, Bulacan.
Nilalayon ng proyektong ito na makapaghatid ng mura, ligtas at de kalidad na produkto para sa mga konsyumer.
Ito ay pinangunahan ni AMAD Senior Agriculturist Menchie Nogoy at Barangay Captain Herson Paul Hayo kasama ang ilang kawani ng kagawaran.
Dagdag pa rito, dinaluhan din ito ng mga Farmers’ Cooperative and Associations, Young Farmers’ Challenge Awardees at Small Medium Enterprises mula sa Bataan, Bulacan, Pampanga at Valenzuela.
Kabilang sa mga lumahok ay ang Sabado Integrated Farming, Arlies Aquamarine, Tiltan Delicacies, RV De Dios Food Manufacturing, National Food Authority, Sugar Regulatory Administration, Puregold, Farmers’ Joy, Green and Basic Integrated Farm, Vouno and Marketing Services Corporation, Betty’s Food Products, Suy Chicken, Sta. Maria Dairy at Lateco Magnolia Chicken.