Isinagawa ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang 1st Regional Program Management Team (RPMT) Meeting para sa CY 2022 Accomplishment Reports at CY 2023 Plans and Budget nitong ika-15 ng Pebrero sa DA-RFO 3 Conference Room sa Capitol Compound, City of San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan ito ni PCA Regional Manager Dennis Andres kasama ang mga representante ng mga ahensiya ng gobyerno katulad ng Agricultural Training Institute (ATI), High Value Crops Development Program ng Gitnang Luzon (DA-HVCDP), Bureau of Animal Industry (BAI), National Dairy Authority (NDA), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Landbank of the Philippines (LBP), Department of Trade and Industry (DTI), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Cooperative Development Authority (CDA).

Ang bawat ahensiya ay nagprisinta ng kani-kanilang CY 2022 Accomplishment Reports at CY 2023 Plans and Budget ukol sa Coconut Farmers’ and Industry Development Plan (CFIDP).

Sa Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon, sa pamamagitan ni Regional HVCDP Focal Person Engr. AB P. David, naipresenta ang CY 2022 Accomplishment ng nasabing programa.

“We have distributed a total of 61,538 pcs cacao seedlings and 420 bags of Organic Fertilizers of which 100% ang aming accomplishment at naipamahagi rin ito noong December 29, 2022 sa ating mga recipients,” aniya.

Sa pagtatapos ng programa, inihayag ni Andres ang kaniyang pasasalamat sa mga ahensiyang dumalo at sa pagbabahagi ng mga ito ng kanilang mga nagawa noong nakaraang taon at mga magiging plano naman para sa taong ito.

“Thanks to all of you for sharing all the activities and the accomplishments of CFIDP in 2022 and plans for 2023. Indeed, it was a tedious process. Hindi madaling ipatupad ang CFIDP dahil maraming isyu na kailangang matugunan but despite that, you were able to deliver it,” saad niya.

Sa dulo ng programa, isang open forum ang binuksan para sa mga karagdagan pang katanungan patungkol sa naging usapin.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon