Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon katuwang ang Bureau of Plant Industry ng tatlong araw na pagsasanay ukol sa Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) para sa mga Agricultural Extension Workers (AEW’s) nitong ika-27 ng Pebrero hanggang ika-1 ng Marso sa DA-CLIARC Organic Center, Paraiso, Tarlac City, Tarlac.

Dinaluhan ito ng mga AEW’s mula Zambales, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga kaakibat ang kani-kanilang mga Municipal at Provincial GAP Coordinators bilang mga kalahok ng pagsasanay kung saan sila’y tinuruan tungkol sa PhilGAP.

Ang PhilGAP ay naglalayong matiyak ang kaligtasan ng pagkain at tiyakin ang kalidad ng mga produktong pang-agrikultura habang pinapanatili ang mataas na pagtingin sa pangangalaga sa kapaligiran at sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.

Ito ay pinangunahan ng Regional GAP Team mula Regulatory Division na sina Supervising Agriculturist at PhilGAP III Focal Person Marilyn Velarde, Agriculturist II Roel Rubion at Agriculturist II Corazon Aquino kasama ang BPI PhilGAP Team na binubuo nina Agriculturist II Samuel Fontanilla, Biologist I Ma. Liciel Abordo at Biologist I Sam Del Rosario na nagsilbi ding tagapagsanay para sa aktibidad.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon