Personal na nanguna si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamahagi ng mga iba’t ibang uri ng proyekto sa Limay, Bataan nitong ika-31 ng Marso.

Kasama sa pinamahagi ng Pangulo ay ang Improvement of Sitio Nazareno-Culis Farm to Market Road na nagkakahalaga ng 90,134,410.62 pesos para sa bayan ng Hermosa at Construction of Fish Landing and Trading Facility na nagkakahalaga ng 180,364,159.48 pesos para naman sa bayan ng Orani.

Ang mga nasabing proyekto ay nasa ilalim ng Intensifies Building-Up of Infrastructure and Logistics for Development (I-BUILD) Component ng PRDP o Philippine Rural Development Project.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon