Personal na dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamahagi ng iba’t ibang tulong para sa mga magsasaka ng San Jose Del Monte, Bulacan nitong ika-19 ng Abril.

Kabilang sa kaniyang ipinamahagi ay ang tig-isang unit ng combine harvesters para sa Sta. Catalina Matanda Bata Irrigators Association mula San Ildefonso, Magmarale Farmers Field School Marketing Cooperative mula San Miguel at sa Biyaya ng Matangtubig Irrigators Association, Inc. na mula naman sa Baliuag.

Samantala, dalawang interbensiyon naman ang natanggap ng Dulong Bayan Farmers Association ng San Jose Del Monte, Bulacan. Ito ay ang 120 sqm Warehouse with Mechanical Grain Dryer na nagkakahalaga ng 5,000,000.00 pesos at Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion na nagkakahalaga ng 5,500,000.00 pesos.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon