Matagumpay na naisagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang CLTV36-Bitag Public Service Caravan nitong ika-31 ng Mayo sa Robinsons Starmills, City of San Fernando, Pampanga.
Layunin nito na makapagbigay ng serbisyo at kaalaman patungkol sa mga programa na mayroon ang bawat ahensiya gayundin ang Job Fair para naman sa mga jobseekers.
Dinaluhan ito ng mga kawani ng kagawaran na sina Field Operations Division Chief Elma Mananes, Regional Agriculture and Fisheries Information Section Chief Ozanne Ono Ocampo-Allas, Market Specialist III Charito Libut, Regional Livestock Program Coordinator Dr. Agnes Uera, Agriculturist II Geraldine Hererra, High Value Crops Development Program Report Officer Christine Joy Corpuz, Rice Report Officer Mario Somera, Market Specialist II Jennelyn Ibale, Administrative Assistant I Camilla Jane Soliman at Information Assistant Officer II Elaiza Nicdao.
Ang mga ahensiya ng gobyerno ay nagkaroon naman ng Government Help Desk na nilahukan ng PhilHealth, Department of Social Welfare and Development, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Agriculture, Securities and Exchange Commission Tarlac Extension Office, Department of Labor and Employment, National Telecommunications Commission, Social Security System, Department of Trade and Industry at Pag-IBIG.
Isang Job Fair din ang inihanda kasama ang LSG Industrial, Remote Employee at LausGroup of Companies.
Bukod pa roon, isinagawa rin ang ilang aktibidad katulad ng BITAG Help Desk, Job Fair, CPR training at libreng Diagnostic Tests.
Sa pagtatapos naman ng programa, isang awarding ceremony din ang ginanap bilang bahagi pa rin ng ika-16 na anibersaryo ng CLTV36.