#BMCforYFC || Kasalukuyang isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa ilalim ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ang isang pagsasanay ukol sa Business Model Canvas Development sa Azurro Hotel by Sunshine Grandeur Corp., Balibago, Angeles City, Pampanga.

Dinaluhan ang pagsasanay ng mga kabataan mula sa pitong lalawigan ng ikatlong rehiyon na nagnanais makapagsimula ng negosyong pang-agrikultura at nagbabalak makasali sa programang Young Farmers Challenge ng DA na nagbibigay panimulang kapital sa mga kwalipikadong indibidwal man o grupo.

Magtatagal ang pagsasanay ng tatlong araw simula ika-21 hanggang ika-23 ng Hunyo.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagAhon