Ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Regional Rice Banner Program ay namahagi ng 5 000 piso ayuda sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF – RFFA) Caravan na ginanap sa Gymnasium, Zambales Sports Complex, Iba, Zambales noong ika-20 ng Hunyo.
Nasa 760 na indibidwal o may kinabibilangang kooperatibang magsasaka ang nakatanggap ng nasabing ayuda na rehistrado sa Registry System For Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Ito’y pinangunahan ni Rice Program Focal Person – Department of Agriculture Regional Field Office III Lowell Rebilliaco na nagbigay ng pangkalahatang-ideya patungkol sa RCEF – RFFA.
Naroroon din sa Caravan sina Officer-In-Charge (OIC) Provincial Agriculturist Crisostomo Rabaca na nagpakilala sa mga beneficiaries at sa mga panauhin. Nagbahagi naman ng mensahe sina Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) Zambales Gil David, Staff of the Governor of the Office of Zambales Community Affairs Relation Officer Erick Matibag at Cooperative Development Specialist (COS) II from Provincial Cooperative Development Office Albert Aquino.
Nagbahagi ng words of appreciation ang mga benepesyaryo na nakatanggap ng Financial Assistance mula sa Munisipalidad ng Cabangan na si SB member Leonardo Toledo. Mula sa Munisipalidad ng Botolan na si Vedinia Peratla at sa Munisipalidad naman ng San Antonio na si Lowell Abad.
Sinundan naman ni Cris Persia ang RFFA Payout para sa mga magsasaka.
Ayon kay Rebilliaco, ang pangkalahatang-ideya na mayroon ang Caravan ay maibigay ang cash assistance sa mga Farmers Beneficiary. Ito’y sa ilalim ng batas na Republic Act (RA) 11203 o kilala bilang Rice Tarrification Law na nakapaloob sa RCEF. Ang mga pondo na ginagamit dito ay nagmula sa mga sobrang taripa na nakokolekta sa importasyon ng bigas.
Karagdagan din dito, may kwalipikasyon upang makatanggap ng Financial Assistance ang mga magsasaka. Kinakailagan may dalawang ektaryang sakahan o mas mababa at rehistrado sa RSBSA.