Nagsagawa ng isang pagsasanay ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon tungkol sa Streamlining Frontline Services noong ika-1 hanggang 3 ng Agosto sa Training Hall, 2F DA New Building, DMGC Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.
Alinsunod sa Quality Management System para sa Certification on ISO 9001: 2015, nilalayon nitong mapabilis ang serbisyong inaalok at mapabuti ang mga frontline na serbisyo ng ahensiya.
Lumahok sa aktibidad ang iba’t ibang kinatawan mula sa Quality Management Core Team, Quality Management Secretariat, Training and Advocacy Team, Documented Information Control System Team at Quality Workplace Team.
Sa huling araw ng aktibidad, ang mga sumusunod na Lean Tools ang naging paksa: Value Stream Mapping, Spaghetti Diagram, Poka Yoke at Bottleneck Analysis.
Ang Spaghetti Diagram, na tinalakay sa Workshop 2, ay isang tool na nagpapakita kung paano ang galaw ng mga tao at materyales sa isang partikular na lugar o proseso.
Sa pamamagitan nito, mas nagiging malinaw kung aling mga bahagi ng proseso ang maaaring mapabuti at mapabilis pa.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, ipinaabot ni Dr. Milagros Mananggit, Division Chief ng Integrated Laboratories Division ang kaniyang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at tagapakinig.
Ipinahayag niya ang kahalagahan ng pagsasanay sa pagpapalakas ng mga frontline services at ang papel na ginagampanan ng bawat isa sa pag-unlad ng organisasyon.
Ang pagsasanay na ito ay nagdulot ng malaking kaalaman at inspirasyon sa mga kalahok, at inaasahang mas mapapaunlad pa nila ang kanilang serbisyo sa tulong ng mga natutunan na mga Lean Tools.