Binisita ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 3 ang Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 3 ngayong araw, ika-8 ng Agosto.

Layunin ng nasabing pagdalaw na palalimin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang mahahalagang ahensiya ng pamahalaan.

Sa pangunguna ni NICA Assistant Regional Director Anthony Magdaraog, MDM at DA Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr., nagkaroon ng masinsinan at produktibong pulong ang dalawang grupo.

Ang pulong ay naglalayong pag-usapan ang mga aspeto ng seguridad at kaalaman hinggil sa agrikultura sa rehiyon at maging ang mga suhestyong estratehiya upang mapuksa ang iregularidad sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa.

Inaasahang patuloy ang masusing ugnayan at pagtutulungan ng dalawang ahensiya upang mapanatili ang kaayusan, seguridad at kaunlaran sa rehiyon.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon