Kamakailan lamang, nagsagawa ng Advocacy Seminar hinggil sa Rabies Awareness, Integrated Laboratory Division (ILD) Services, at Gender and Development (GAD) Orientation sa Multi-Purpose Hall, Guagua, Pampanga noong ika-7 ng Setyembre.
Naglalayon itong magbigay kaalaman sa komunidad, mga kawani ng Municipal Agriculture Office, at barangay volunteers.
Ilan sa mga tinalakay rito ay ang ukol sa ILD Services at Status ng Rabies Program Update, Antimicrobial at Serbisyong Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, Rabies na sakit, food safety and Feed Chemical Analysis Laboratory services, Biological Control Agents and Services, batas kaugnay ng GAD at Serbisyong Suporta mula sa DA.
Karagdagan pa rito, ang nasabing seminar ay nagdulot ng masusing kaalaman at kamalayan sa mga kalahok hinggil sa mga pangunahing aspeto ng kalusugan, pampamahalaan, at pang-agrikultura.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon