Matagumpay na idinaos ang pulong ng mga stakeholder ng mangga ngayong araw, ika-13 ng Setyembre sa DA-RFO III Conference Room, Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 (DA RFO 3) sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) na pinamumunuan ni Engr. AB David.
Nagsilbing tagapagsalita sa pagbubukas ng aktibidad si Elma Mananes, Chief ng Field Operations Division, na nagbigay ng kaniyang malugod na pagtanggap sa mga dumalo.
Sinundan ito ng mensahe mula kay Dr. Eduardo Lapuz, Jr., Regional Technical for Operations and Extension, AMAD.
Napag-usapan dito ang mga paksa tungkol sa Kalagayan ng Industriya ng Mangga, Presentasyon ng Datos Tungkol sa Mangga para sa ikatlong rehiyon, Pagsusuri ng mga Kasalukuyang Lugar ng Produksyon ng Mangga at mga Magsasaka nito.
Ilan sa mga nagpresenta ay sina John Rey Duay, kinatawan mula sa Philippine Statistics Authority, Agriculturist II Christine Joy Corpuz at Agriculturist II Glariza Balbarez ng HVCDP.
Ang aktibidad na ito ay may layuning mapagtibay ang sektor ng mangga at pagtulungan ang mga kinakailangang hakbang upang mapabuti ang kalagayan ng industriyang ito.
Nagsilbing ding mahalagang okasyon ito para sa mga tagapagtaguyod ng industriya ng mangga upang magbahagi ng kaalaman at makapagplano ng mga susunod na estratehiya sa pagkamit ng layunin sa darating na mga taon.
Ang pagpupulong na ito ay nagbibigay-daan para sa masusing koordinasyon at pagtutulungan ng mga sektor na sangkot sa industriya ng mangga, na naglalayong mapalakas at mapalaganap ang industriya na ito sa rehiyon ng Gitnang Luzon.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon