#EO39 || Ginanap kahapon sa Department of Trade and Industry Regional Field Office III ang Pay-out ng Cash Assistance para sa mga Micro Rice Retailers na apektado ng Executive Order No. 39 o Imposition of Mandated Price Ceilings on Rice.
Kasama sa mga dumalo ang mga partner agencies kabilang ang Department of Agriculture, National Food Authority, Department of the Interior and Local Government, at Philippine National Police.
Samantala ang DSWD ang nagrelease ng naturang pay out.