Pormal nang nilagdaan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ang Memorandum of Agreement (MOA) ukol sa Launching of Smart Agriculture Through Vegetable Derby noong ika-22 ng Setyembre, sa Tarlac Agricultural University, Camiling, Tarlac.
Layunin ng programang ito na mailunsad ang pagkakaroon ng seguridad at sustenableng pagkain ang bansa partikular na sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng produksiyon ng mga gulay gamit ang green house production.
Pinangunahan ang paglagdang ito ng University President ng TAU na si Dr. Max P. Guillermo at DA RFO 3 High Value Crops Development Program (HVCDP) Focal Person Engr. AB Pangilinan-David.
Sa panimula ng programa ay nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Dr. Guillermo sa sa DA sa pagbibigay ng oportunidad upang mailunsad ang green house production farming sa kanilang unibersidad.
Samantala nagbigay rin ng mensahe si Engr. David bilang pagtatapos ng programa.
“Isang magandang programa ito lalo na sa mga susunod pang henerasiyon ng mga Agriculturist, sa ganitong paraan makikita na nila kung paano umuunlad ang teknolohiya pagdating sa pagsasaka at gayundin naman sa ating mga kasalukuyang magsasaka na talagang makikita nila na mas mataas ang magiging ani at kita gamit ang green house production” pahayag ni Engr. David.
Katuwang naman sa programang ito ang Allied Botanical Corporation, Texicon Agri Ventures Corporation, Ramgo International Corporation, at Enviro Scope Synergy Inc.