Isinagawa ng Kagawagan ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ang 3rd Quarter Regional Management Council (RMC) Meeting, noong ika-4 ng Oktubre, sa ATI-RTC III, Satellite Office, Brgy. Singalat, Palayan City, Nueva Ecija.

Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan gayundin ang mga isusulong na planong may kaugnayan sa interbensiyon ng Kagawaran para sa mga susunod pang taon sa pagpapaigting ng seguridad ng pagkain sa bansa.

Ibinahagi rin dito ni Rice Banner Program Focal Person Dr. Lowell Rebillaco ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) upang talakayin ang layunin nitong makatulong sa pagkakaroon ng sapat na pagkain ang bansa gayundin ang pagpapaangat ng kabuhayan ng mga magsasaka at mga interbensiyon kung paano magkakaroon ng mas mataas na ani at kita.

Pinangunahan ang pulong na ito ni Regional Technical Director Dr. Arthur D. Dayrit at Chief of Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED) Noli C. Sambo.

Dumalo rito ang iba’t ibang partner agencies at bureaus mula sa mga iba’t ibang probinsya ng Gitnang Luzon upang talakayin naman ang iba pang agenda kagaya ng updates on the programs, projects, and activities to mitigate the effect of El Niño na tinalakay ng NIA Region 3, at insurance allocated per province sa pangunguna ng PCIC 3 Regional Manager Ma. Lilian E. Aguilar.

Kasama rin sa mga pinag-usapan ang Implementation of E.O. No. 39 o mas kilala bilang Imposition of Mandated Price Ceiling on Rice na tinalakay naman ni OIC-Chief of AMAD Dr. Maricel L. Dullas, gayundin ang mga trainings at IEC materials na inilulunsad ng ATI na ibinahagi naman ni ATI RTC 3 Center Director Engr. Joey A. Belarmino, at updates of rice importation in Region 3 na tinalakay ni BPI-PQS 3 Senior Agriculturist Erwin L. Datu.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon