Nagkaisa ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) upang magtanim ng mga vegetable seedling sa paligid ng gusali nitong ika-16 ng Oktubre.

Ang inisyatibang ito ay isinagawa sa pangunguna ng High Value Crops Development Program at Department of Agriculture Central Luzon Employees Association upang maitampok ang halaga ng agrikultura sa araw-araw nating buhay. Ipinapakita nito na hindi lamang ito tungkol sa pagtatanim ng halaman, kundi pati na rin sa pagtutulungan at pagkakaisa ng komunidad. Kabilang sa mga itinanim ang mga punla ng pechay, lettuce, talong, at sili.

Isa itong magandang halimbawa na maaaring tularan ng mga pamilya sa kanilang mga tahanan na kahit sa simpleng paraan, tulad ng pagtatanim ng sariling mga gulay at prutas sa bakuran, maaari tayong magkaroon ng masustansiyang pagkain, makatipid, at magkaroon ng malasakit sa kalikasan.

Nagpapakita ito na bawat isa sa atin ay maaaring makilahok sa pagsasaka at sa pag-aalaga ng kalikasan sa ating sariling paraan. Ito ay isang halimbawa ng kung paano ang pagsasaka at pagsasama-sama ay maaaring magdulot ng magandang pagbabago sa ating komunidad.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon