Nakamit ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Department of Agriculture Region Field Office 3 (DA RFO 3) ang Most Number of Accredited Food Lane Decals to truckers of agricultural commodities and inputs at maging ang Most Registered Enterprises in Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS).
Ito ay naganap sa katatapos lamang na Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) at AMAD Third Quarter Assessment Workshop nitong Oktubre 16 hanggang 20, 2023 sa Tagaytay Road, Silang, Cavite.
Sa mga nakaraang taon, ang AMAD Region 3 ay patuloy na nagbibigay ng mahalagang suporta at tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor ng agrikultura.
Sa kasalukuyan, ang mga truckers na nagdadala ng agrikultural na kalakal at kagamitan ay kinakailangan na magkaroon ng food lane decals para matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga produktong kanilang dinadala.
Sa pagtutulungan ng AMAD Region 3 katuwang ang lokal na pamahalaan ng bawat lalawigan, Philippine National Police, at agribusiness coordinators, mas napadadali ang proseso ng pagkuha ng mga akreditasyon na ito.
Kasabay nito, ang FFEDIS ay isang sistema ng DA na naglalayong makapagrehistro at maglaan ng suporta sa mga negosyong pang-agrikultura at pangisdaan.
Ang pagiging rehistrado sa FFEDIS ay nagbibigay ng mga benepisyo tulad ng access sa mga pondo, pagsasanay, at iba pang suporta na makatutulong sa mga negosyo ng mga magsasaka at mangingisda.
Sa kabuuan, ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa AMAD kung ‘di para sa buong sektor ng agrikultura sa Gitnang Luzon na patuloy na nag-aambag sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto para sa kaunlaran ng bansa.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon