Pormal na binuksan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon – Gender and Development Focal Point System ang pagdiriwang ng National Men’s Month kahapon, ika-6 ng Nobyembre.

Iba’t ibang aktibidad at paligsahan ang inaasahang isasagawa ngayong buwan bilang pagkilala sa lahat ng nagtatrabaho sa larangan ng pagsasaka at sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa kanilang kahalagahan at kontribusyon ng mga kalalakihan sa pag-unlad ng sektor ng pagsasaka sa ating bansa.

Ilan sa mga ito ay ang token para sa kalalakihan, digital poster making contest, at Mr. Gender and Development.

Ang National Men’s Day ay isang taunang pagdiriwang na hindi lamang tungkol sa kasarian kung ‘di isang araw ng pagtalakay ng mga isyung nakaaapekto sa mga kalalakihan at batang lalaki.

Layunin nito ang pagpapabuti ng ugnayan ng kasarian at pagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan ng lahat.

Base sa Internationalmensday.com, ang tema ngayong taon ay “Zero Male Suicide” Together we can stop male suicide.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon