Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa ilalim ng High Value Crops Development Program o HVCDP ang pulong kaugnay ng FY 2023 HVCDP and NUPAP Annual Assessment at FY 2024 Finalization of Beneficiaries, noong ika-11 ng Enero, sa DA Conference Room, DMGC, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

Layunin ng pulong na ito na mapag-usapan ang resulta ng mga programa at proyektong kanilang inilunsad sa nagdaang taon at mga susunod pang proyekto at hakbangin para sa kasalukuyang taon.

Pinangunahan ni Regional HVCDP Report Officer Christine Joy Corpuz ang pagpapakilala sa mga kalahok sa nasabing pulong.

Samantala, sa pambungad na pananalita na ibinahagi ni Regional Technical Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., binigyan niya ng pasasalamat ang mga dumalo sa programa para sa kanilang patuloy na suportang ibinibigay para sa mga programa ng Kagawaran sa ilalim ng HVCDP.

Bilang pagbabalik-tanaw, nagkaroon ng presentasiyon ukol sa FY 2023 Annual and Highlights of Accomplishments na pinangunahan ng mga Provincial Coordinators na sina Nelita Abordo ng Aurora, Rolando Almario, Jr. ng Bataan, Raymart Santiago ng Bulacan, Mary Rose Bautista ng Nueva Ecija, Marites Paguio ng Pampanga, at Annalie Muñez ng Zambales.

Sa ikalawang bahagi ng pulong ay nagkaroon naman ng mga presentasiyon ukol sa FY 2024 HVCDP and NUPAP PAPs Targets na pinangunahan ni Regional HVCDP/NUPAP Focal Person Engr. AB P. David, Weekly Planting and harvesting Report at Status in the Submission of Machineries and Infrastructures Documentary Requirements na tinalakay naman ni Alternate HVCDP Report Officer Jobet David, at Gulayan sa Barangay and High Value Crops Achievers’ Awards Guidelines na inilahad ni Regional HVCDP Report Officer Christine Joy Corpuz.

Nagkaroon din ng presentasiyon si Regional GPP Focal Person Glarissa Balbarez ukol sa Gulayan sa Paaralan Implementing Guidelines na isa sa mga proyekto at programang ipinatutupad ng tanggapan, at paglalahad sa Status of MOA, DOD, Issuance Slips, at Master lists na isinagawa naman ni Project Assistant II Melody Alejandre.

Sa pagtatapos ng pulong, ipinaabot ni Focal Person Engr. David ang kaniyang pasasalamat sa kooperasiyon at dedikasiyon ng bawat isa para sa patuloy na pagpapaunlad pa ng kanilang mga proyekto na nakatutulong sa pagpapaangat ng sektok ng agrikultura sa rehiyon.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon