Muling nakibahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO III) sa programang “LAB FOR ALL”, ngayong araw ika-20 ng Pebrero, sa Brgy. Nabuclod, Floridablanca, Pampanga.
Ang programang “LAB FOR ALL” ay inilunsad ni First Lady Atty. Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos na naglalayong makapaghatid ng libreng laboratoryo, konsulta-medikal, at gamot para sa lahat at naglalayon na gawing accessible ang serbisyo-medikal sa lahat ng mamamayan sa bawat bahagi ng bansa.
Sa pamamagitan ng proyektong ito ng Unang Ginang, naisakatuparan ang hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na binanggit niya sa kaniyang State of the Nation Address noong Hulyo 2022.
“We must bring medical services to the people and not wait for them to come to our hospitals and health care centers.” sabi ng Pangulo
Bilang pagsuporta sa mga ganitong programa, dumalo rin dito si Undersecretary Deogracias Victor Savellano, Governor Dennis Pineda, Vice Governor Lilia Pineda, ilang kawani mula sa Philippine Carabao Center, at mga kawani mula sa lokal na pamahalaan ng Floridablanca.
Dumalo rin sa programa ang DA RFO III sa pangunguna ni Regional Technical Director Dr. Arthur Dayrit, Pampanga APCO Gil David, at High Value Crops Development Program upang magbigay ng mga libreng buto ng gulay, at makiisa sa isinagawang Ceremonial Tree Planting na bahagi ng programa.
Ipinagkaloob din ng Kagawaran ang nasa 300 heads ng free-range chickens para sa San Ramon Mountain View Farmers Association, at 10 heads ng small ruminants para naman sa Floridablanca Aetas Ancestral Domain Farmers Association.
Ang mga ipinagkaloob na ito ng DA RFO III may makatutulong sa pamumuhay ng mga miyembro ng bawat asosasyon at maaaring makapagbigay sa kanila ng dagdag na kita para sa kanilang kabuhayan.
Bukod sa DA, katuwang din sa programang LAB FOR ALL ang ilang ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government, Philippine Charity Sweepstakes Office, Technical Education and Skills Development Authority, at Commission on Higher Education.
Patuloy naman na nagbibigay-suporta ang mga private sector partners ng proyektong ito kabilang ang Foton Motor Philippines, Inc., Inner Wheel Club, Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc., Kent and Zeny Sy, M.A. Directo Foundation, Makati Medical Center Foundation, Maynilad Water Foundation, Rotary Makati Circle of Friends, at National Grid Corporation of the Philippines.
Photos: Daniel Ombina of Pampanga PIO