Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang isang technology demonstration para sa lowland vegetable, noong ika-22 ng Pebrero, sa Orion, Bataan.
Ang gawaing ito ay naglalayon na mailapat ang modernong teknolohiya para sa pagpapunlad ng pagtatanim ng gulay sa mga peri-urban areas katuwang ang private company partners na Thai-Phil Advance Agritech Corporation at Agrigrowth International Corporation.
Nasa 2,000 sqm. na sakahan ang gagamitin para sa nasabing techno-demo na sinimulan noong nakaraang Disyembre taong 2023.
Sa techno-demo na ito, ipakikita ang posibilidad ng pagtatanim ng mga highland vegetable sa lowland area sa tulong ng mga makabagong teknolohiyang pang-agrikultura.
Katuwang ang mga paaralang sekondarya, 10 Farmers Associations and Cooperatives, at Tagapangulo ng pederasyon ng mga asosasyon sa bayan ng Orion bilang mga benepisyaryo ay layunin nitong makapagtatag ng lowland techno-demo bilang model farm para sa produksiyon ng gulay.
Kabilang sa mga itinanim dito ang mga gulay kagaya ng repolyo at lettuce, gayundin ang kilalang prutas sa highland area na strawberry, at ilang lowland na gulay kagaya ng kalabasa, talong, at sitaw.
Plano namang isagawa ang Harvest Festival para sa nasabing techno-demo sa ika-4 na linggo ng Marso.
Dinaluhan ang programang ito ni OIC-Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., Chief ng Field Operations Division Elma Mananes, Regional High Value Crops Development Program at National Urban and Peri-Urban Agriculture Program Focal Person Engr. AB P. David, APCO Marilou Ramos, Office of Provincial Agriculturist, Orion Vice Mayor Rex Joseph Fuster, at Lokal na Pamahalaan ng Orion.