Kasama ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO III), malugod na sinalubong ng mga magsasaka ng 1Bataan Farmers ang pagbisita ni DA Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel sa isang Farm Tour na ginanap sa Anthony Villanueva’s Farm, Barangay Tuyo, Balanga, Bataan, noong ika-7 ng Marso.
Ipinakita ng 1Bataan Farmers ang kanilang mga ani mula sa High Value Crops na kanilang itinanim sa pamamagitan ng Precision Farming gamit ang Israel Smart Agriculture Technology.
Layunin ng farm visit na ito na Ibinahagi ang matagumpay na implementasyon ng Precision Farming na nakatutulong para sa mas mataas na produksiyon ng mga high value crops. Ang proyektong ito naman ay naka pokus sa sari-saring uri ng mga pananim at nakanayang paraan ng pagtatanim tuwing tag-ulan at kultibasyon ng HighValue crops tuwing tag-init
Ibinida rin ng mga naturang magsasaka ang kanilang mga ginagamit na teknolohiya sa pagsasaka at paraan nito gaya ng Drip Fertigation System, kung saan sa pamamagitan nito ay nakatitipid ang sila sa pagkonsumo ng kuryente, tubig, at farm labor.