Namahagi ng “Token of Appreciation” ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) sa pangunguna ng Gender and Development Focal Point System (GADFPS) sa mga kababaihang empleyado ng ahensiya noong ika-4 ng Marso.
Ito ay parte ng selebrasyon sa Buwan ng Kababaihan ngayong 2024 na may temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”
Layunin nitong kilalanin ang kahusayan at kagalingan, maging ang kontribusyon ng bawat kababaihan sa sektor ng agrikultura.
Ilan sa mga token na natanggap ay vermicompost, urea, iba’t ibang uri ng vegetable seeds, liquid fertilizer, seedlings, pati na rin ang ilang hayop tulad ng native na baboy, free-range chicken, at kuneho.
Sa naging panayam kay GADFPS Focal Person Dr. Milagros Mananggit, aniya ang ganitong klase ng aktibidad ay simpleng pamamaraan ng ahensiya upang maiparamdam sa mga kababaihan ang kanilang kahalagahan sa lipunan.
“Ang National Women’s Month ay isang selebrasyon na patungkol sa Republic Act 9710 o Magna Carta of Women, na isang mahalagang batas na naglalayong labanan ang diskriminasyon sa mga kababaihan at itaguyod ang kanilang mga karapatan,” dagdag ni Dr. Mananggit.