Naisakatuparan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon o DA RFO 3 sa ilalim ng Gender and Development Focal Point System (GADFPS) at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang KADIWA Pop-up Store na bahagi ng pagbubukas para sa pagdiriwang ng Women’s Month noong ika-4 ng Marso, sa DA RFO 3 Main Office, DMGC, Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.
Makikita rito ang iba’t ibang bilihin o produkto kagaya ng gulay at prutas, plant habitat, salted eggs, crab paste, dried fish, at marami pang iba.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month, ang karamihan sa mga naging exhibitors ng nasabing aktibidad ay kababaihan.
Samantala, para maisakatuparan ang aktibidad, pinamunuan ito ng Gender and Development Focal Point System (GADFPS) katuwang ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD).
Isinakatuparan nito na makapagpaabot ng tulong sa Government Center o mga empleyado ng DA RFO 3 upang makabili ng mga abot-kayang halaga at iba’t ibang masustansiyang produkto sa itinayong Pop-Up Store.
Ayon sa AMAD Market Specialist I ng DA RFO 3 na si Eugenio Patawaran, layunin ng itinayong KADIWA Pop-up store na mabawasan ang presyo ng mga agri-commodities para sa mga mamimili o mamamayan. Malaking tulong din ito upang makabili ng mga natatanging produkto na may mababang presyo.
Isinaad din ni Patawaran na ang aktidad na ito ay matatawag na “Farm-To-Table,” kung saan makikita ang mga produktong mula sa magsasaka at Agri-Enterprises.