Matagumpay na naisagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon ang Participatory Monitoring and Tracking (PMT) Conference na ginanap sa Lohas Hotel, Angeles City, Pampanga, noong ika-26 ng Pebrero hanggang ika-1 ng Marso.
Layunin ng naturang conference na ipakita ang kasalukuyang kalagayan ng bawat proyektong makatutulong at makapagpapadali sa pagsasaka ng mga lokal na magsasaka.
Sinimulan ang mga proyektong ito noong 2023 na inilunsad ng DA mula sa iba’t ibang lalawigan sa Gitnang Luzon kabilang ang Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing conference sina DA RFO 3 Regional Technical Director Dr. Arthur Dayrit, RAFC Chairperson Onesimo Romano, Agribusiness and Marketing Assistance Division OIC-Chief Dr. Maricel Dullas, Planning Monitoring and Evaluation Division Chief Noli C. Sambo, at Registry System for Basic Sectors in Agriculture Focal Person Alvin David.