Pinangunahan ng mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang dalawang araw na Product Concept Test and Sensory Evaluation para sa proyektong “Market Assessment and Refinement of Oyster Mushroom-Based Products’’ sa pamumuno ni Veronica P. Mangune (Science Research Specialist II), study leader mula sa Research Outreach Station for Lowland Development ng Research Division noong ika-27 at 28 ng Pebrero, sa DA-RFO III BAC Conference Room.

Ang proyektong “Market Assessment and Refinement of Oyster Mushroom-Based Products’’ ay nagsimula noong ika-20 ng Abril 2023 na matatapos ngayong Abril 2024.

Isinasagawa ang proyektong ito sa Research Outreach Station for Lowland Development ng Research Division sa Paraiso, Tarlac City.

Tunguhin ng pag-aaral na ito na masuri ang market potential ng apat (4) na produkto na gawa sa kabute; Mushroom Tocino, Mushroom Tapa, Mushroom Bulgogi, at Mushroom Instant Noodles. Sa bahaging ito, isinasagawa nila ang panukalang pananaliksik sa merkado upang masuri at mapaunlad ang mga nasabing produkto.

Ayon kay Mangune, mandato sa mga Research Development Institution na hindi lamang mag-generate o lumikha ng teknolohiya, ito rin ay dapat na umabot sa technology commercialization. Para mangyari ang commercialization, kinakailangan muna na masuri ang market potential.

Bilang pagsuporta sa nasabing proyekto, ang mga kawani ng DA-RFO III ay nakilahok para sa ebalwasyon ng apat (4) na produkto. Ito ay sinuri batay sa preperensya at opinyon ng mga konsyumer.

Ang Phase 1 ng proyektong ito ay matatapos sa Abril 2024. Samantala, ang Phase 2 nito ay inaasahang maisagawa sa Hunyo 2024.

Bukod sa pagnanais na makabuo ng mushroom-based products at pagpapaunlad ng produkto, isinulong din ni Dr. Emily Soriano, project leader ng nasabing proyekto, na makatulong na madagdagan ang kita ng mga mushroom growers. Gayundin, layunin nitong magbigay ng healthy alternative sa mga karaniwang produkto na makikita sa merkado.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon