Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Agri-Credit Forum noong ika-5 ng Abril sa Gerona, Tarlac.

Ito ay pinangunahan ng Agribusiness Promotion Section ng AMAD bilang pagsuporta sa mga programa at proyekto ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Dumalo sa nasabing forum ang ilang mga Farmers Cooperatives and Associations (FCAs), Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), at ilang mga kabataang agripreneurs.

Sa pangunguna ng ACPC, iba’t ibang lending conduits tulad ng New Rural Bank of San Leonardo, Uunlad Tayo MPC, Landbank of the Philippines, at Philippine Crop Insurance Corporation, ay nagbahagi ng kaalaman tungkol sa mga programa at serbisyo na maaaring ma-access ng mga magsasaka at negosyante sa kanilang pangangailangan sa pautang.

Tinalakay rin dito ang ukol sa pagbibigay ng opsyon ng pautang na magpapabuti sa produksyon at operasyon sa negosyo ng mga lumahok, pagsasalaysay ng proseso sa pag-avail ng programa sa pamamagitan ng ACPC-ACCESS, at iba pang mga credit windows.

(Photos from AMAD)

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

#BagongPilipinas