Itatayo ang kauna-unahang Onion Cold Storage para sa 20,000 Bags Capacity sa Barangay Cabalantian, Bacolor, Pampanga.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon at suporta ng lokal na pamahalaan ng Bacolor ay isinigawa ang Ground Breaking Ceremony para sa first-ever Onion Cold Storange ng Pampanga.

Sa kanyang mensahe pinasalamatan ni Mayor Eduardo “Diman” Datu ang lahat ng mga masisipag na magsasaka ng Bacolor dahil sa kanilang pagkakaisa ay ginawaran sila ng Kagawaran ng Pagsasaka ng isang proyekto.

“Sa panahon ngayon talagang nararamdaman ng farmers na naka-agapay ang National Government, and the Provincial Government, and the Municipal Government, united in helping our farmers. Kitang kita naman po eh halos naman ng pangangailangan natin magumpisa sa equipment the National Government supported every farmers nakikita ko po iyan” dagdag niya.

Isa sa mga dumalo rin ang OIC-RTD for Research, Regulatory, and ILD Dr. Irene M. Adion, Ph.D. na pinatibay ang mga residente ng Bacolor na tutulong ang Kagawaran ng Pagsasaka sa pangangailan ng mga magsasaka.

“And DA po ay katuwang ninyo bilang isang family para suportahan kayo” aniya.

Bahagi ito ng proyekto ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP), na naglalayong suportahan ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas.

Naglaan ng 50.4 ektaryang lupa na tamtamnan ng pula, at dilaw na sibuyas, kasama ng iba pang high-value crops.

Nagkakahalaga ng P41,500,000 ang nasabing Cold Storage.

Ito’y nagsisimbolo ng isang mahalagang hakbang na solusyunan ang mga poblemang dulot ng kakulangan sa sapat at maayos na storage para sa sibuyas. Tulad mabilis na pakasira ng mga sibuyas.

Magiging mas malakas na kalahok sa industriya ng sibuyas ang Pampanga at karatig bayan sa pamamagitan ng pagtatatag ng pasilidad.

Inaasahan din na magbibigay daan ito sa mga bagong trabaho sa loob ng komunidad, na daragdag sa pang-ekonomiyang pag-unlad ng rehiyon.

Ang gagawing pasilidad ay ipinagkaloob sa Bacolor Onion Farmers Association na binubuo ng 24 na magsasaka na pinamumunuan ni Chairperson Ferdinand R. Pineda. Inaasahan na matapos ang proyekto sa Oktubre 2024.

Dinaluhan din ang okasyon nila

Bacolor Vice Mayor Ron Earvin E. Dungca, Bacolor Municipal Agriculturist, Pampanga Janette G. Wong, Field Operation Division Chief Elma S. Mananes, Chairman of Bacolor Onion Farmers Association Ferdinand R. Pineda, Bureau of Plant Industry (BPI) Crop Research and Production Support Division Chief Christopher Cruz upang magpakita ng sama-samang pagkilos upang itaguyod ang agrikultura sa Pampanga.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

#PreserveFilipinoFood