Isinagawa kahapon, ika-16 ng Hulyo, ang isang pagsasanay hinggil sa Occupational Safety and Health (OSH) na may temang ‘Protecting our Workers: Best Practices on Occupational Safety and Health in the Laboratory and Office Setting’ sa Greene Manor Hotel, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ng Integrated Laboratories Division sa pamamagitan ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL).
Layunin nito na makapagbigay kamalayan sa mga empleyado sa kahalagahan ng kaligtasan at kalusugan sa kanilang mga lugar sa trabaho.
Ito ay dinaluhan ng may 100 kalahok mula sa iba’t ibang division ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon.
Si Albert Valencia, isang akreditadong consultant sa OSH mula sa Department of Labor and Employment, ang nagsilbing resource speaker sa nasabing aktibidad.
Tinalakay niya ang mga sumusunod na paksa: Setting the Learning Climate, Basic Introduction of OSH, Accident Causation Theories, Hazard Recognition and Control Measures, Types of Hazards, at Office Ergonomics.
Samantala, nagbigay ng kaniyang mensahe si Dr. Irene Adion, ang Regional Technical Director para sa Research, Regulations and Integrated Laboratory Services, na nagpapakita ng suporta mula sa ginanap na pagsasanay.