Matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang Technology Forum 2024 sa MarQuee Mall, Angeles City nitong ika-4 hanggang 5 ng Nobyembre sa pangunguna ng Research Division.

Ito na ang ikalawang beses na idinaos ang ganitong uri ng forum na ngayong taon ay tinawag na โ€œ๐‘ซ๐‘จ ๐‘น๐‘ญ๐‘ถ ๐‘ฐ๐‘ฐ๐‘ฐ ๐‘ป๐’†๐’„๐’‰ ๐‘ป๐’‚๐’๐’Œ.โ€

Dala ang temang โ€œHarnessing Agricultural Innovations towards Building Technology-Based Businesses,โ€ layon ng naturang kaganapan na ipakita ang mga makabagong teknolohiya sa agrikultura na makatutulong sa mga magsasaka na makapagtayo ng mga negosyong nakabatay sa teknolohiya.

Sa kaniyang pambungad na mensahe, inilahad ni OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations, and Integrated Laboratories Dr. Irene M. Adion na ang mga teknolohiyang itatampok ay pinondohan at masusing pinag-aralan ng gobyerno. Aniya, ginugulan ito kaalaman at expertise ng mga mananaliksik upang makapaghatid ng mga makabago at pinahusay na proseso at produkto.

Bilang Keynote Speaker, ibinahagi naman ni Dr. Mudjekeewis Santos, Science V mula sa National Fisheries Research and Development Institute, ang kaniyang presentasyon na pinamagatang โ€œTransforming Food Systems for Enhanced Food Security.โ€

Sa kanyang talumpati, tinalakay niya ang mga hakbang sa pagpapabuti ng sistema ng suplay ng pagkain upang mapalakas ang seguridad sa pagkain ng bansa.

Sa loob ng dalawang araw, nagkaroon ng technology pitching at bukas na talakayan, kung saan ipinakilala ng mga kinatawan at technology generators mula sa Central Luzon State University, Tarlac State University, Pampanga State Agricultural University, Bulacan Agricultural State College, at Aurora State College of Technology, ang mga teknolohiyang kanilang binuo sa pakikipagtulungan at suporta ng Kagawaran.

Bukod dito, nagkaroon din ng mga presentasyon mula mismo sa mga mananaliksik ng ahensya. Ibinahagi nila ang mga teknolohiyang kanilang nabuo sa ilalim ng Research Division na maaring i-adopt ng mga interesadong magsasaka.

Kaugnay nito, ipinakilala rin ang bagong programa ng Kagawaran, ang GRAINS-Technology Business Incubator . Ito ay naglalayong tulungan ang mga magsasaka at iba pang interesadong mamamayan sa pagtatayo ng mga negosyo na nakabatay sa teknolohiya sa sektor ng agrikultura.

Nais din ng programa na magtatag ng isang support system para sa pagbibigay ng incubation services sa mga agri-negosyante sa Gitnang Luzon at palakasin ang kakayahan ng mga ito sa komersyalisasyon ng kanilang mga teknolohiya at produkto. Binibigyang-pansin din ng programa ang pagtatatag ng matibay na ugnayan at pakikipag-partner sa pagitan ng mga kalahok, mga kasosyo, at iba pang mga stakeholders.

Ang Technology Forum 2024 ay dinaluhan ng mga asosasyon ng magsasaka at mga kawani ng lokal na pamahalaan sa Gitnang Luzon. Bukas din ang kaganapan sa publiko na nagnanais matuto tungkol sa mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Itinampok din sa forum ang mga produktong bunga ng mga nabuong teknolohiyang pang-agrikultura mula sa Mills Enterprises, Garmaโ€™s Farm, Infinite Mushroom, Tingtano Integrated Farm, at Porac IP.

Namahagi rin ng libreng farm inputs tulad ng organic liquid fertilizer, binhi, punla, at pataba.

Sa pagwawakas ng aktibidad, pinasalamatan ni OIC-Research Division Chief Dr. Emily A. Soriano ang lahat ng taong naging bahagi at sumuporta rito.

โ€œAng ultimate po na layunin natin ay mapa-angat ang antas ng pamumuhay ng mga kasama nating mga farmers. Inilatag na po namin ang mga teknolohiya so ang gagawin po natin ngayon ay ang maging business-minded tayo. Kayo po ay aalalayan hanggang sa maitayo po ang inyong business,โ€ dagdag pa nito.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong