Sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA) ay matagumpay na naisagawa ang Mechanization Road Show 2024 na may Temang “Gitnang Luzon: Sentro ng Mekanisasyon!” katuwang ang PHilMech, Local Government Unit (LGU) ng Lungsod ng Cabanatuan at ng Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative (KAMICO) noong ika-29 hanggang ika-30 ng Nobyembre taong 2024 sa Plaza Lucero, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ang Machinery Road Show na ito ay naglalayon na ipakita at isulong ang mga makabagong makinaryang pang agrikuktura para sa palay, mais, at iba pang high value commodities sa mga magsasaka at iba pang stakes holder sa sektor ng agrikultura sa sa Gitnang Luzon. Ang temang “Gitnang Luzon: Sentro ng Mekanisasyon” ngayong 2024 bilang nangungunang rehiyon at sentro ng pagsulong ng lokal na industriya at mekanisasyon sa sektor ng agrikultura.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagbigay ng mensahe ng supporta ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bahagi ng institusyon na katuwang ng Kagawaran ng Pagsasaka sa programang ito.

Tampok sa isinagawang road show ang makinarya gaya ng Cabin Type Tractor, Loader, Plow, Rotavator, Leeve maker, leveler, onion seeder with cultivator, ionion stem cutter, onion harvester, seeder, drone with seed spreader, rice mill infinity, rice mill gold type, corn mill, agricultural dryer, wall sprayer at transport vehicle.

Nagkaroon rin ng iba’t ibang seminar sa pangunguna ng PHilMech patungkol sa technical cooperation in agriculture mechanization development, Mechanized onion production system, at Potential of MEWP in harvesting and other off-ground mango operations in teh Philippines.

Nagsagawa rin ng demonstrasyon ng mga makinarya sa Barangay Talipapa, Cabanatuan City, kung saan ay ipinakita ng KAMICO ang gamit ng bawat makinarya sa naturang road show gaya ng tractor with loader, plow, at rotavator with leveler, tractor with levee maker, rice precision seeder, lifting machine, corn mill, rice mill with broken separator, fruit and vegetable dryer, drone sprayer, boom sprayer, truck mounted sprayer at kung nagkano ito mabibili ng mga indibidwal na magsasaka at cooperatiba.

Kabilang sa mga dumalo ay sina DA Under Secretary for Special Concerns and for Official Development Assistance-Foreign Aid/Grants Jerome V. Oliveros, Regional Executive Director Eduardo L. Lapuz Jr., Regional Technical Director for Operations and Extensions Arthur Dayrit Ph.D , PHilMech Director III Joel Dator, KAMICO Chairman Mr. Shin Gil Kim, at Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong