Matagumpay na pinasinayaan ang Turnover Ceremony ng 20,000 bags Capacity Onion Cold Storage Facility noong ika-10 ng Hunyo sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon – High Value Crops Development Program (DA-HVCDP) sa Brgy. Tagumpay, Gabaldon, Nueva Ecija.
Ang nasabing pasilidad ay may kabuuang halaga na ₱ 42,799,780 na naglalayong mas mapahaba ang shelf life, at maiwasan ang pagkasira ng mga aning sibuyas na isa sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga magsasaka mula sa bayan ng Gabaldon. Ang pasilidad na ito ay ipinagkaloob sa Dupinga Sierra Madre Irrigators Association bilang benepisyaryo ng nasabing proyekto mula sa kagawaran.
Kabilang sa mga dumalo sa seremonya ay sina DA Regional Technical Director Arthur D. Dayrit, Gabaldon Mayor Jobby P. Emata, Gabaldon Vice Mayor Victorino V. Sabino, Sagip Saka Program National Director, Regional HVCDP and NUPAP Focal Person, Engr. AB P. David, APCO Nueva Ecija 3rd and 4th District Bryan M. Agustin at ng 230 na magsasaka mula sa bayan ng Gabaldon.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang blessing ceremony at sinundan ng ribbon cutting ceremony sa pangunguna ng mga kinatawan ng DA RFO 3 at mga kinatawan sa Lokal na Pamahalaan ng Gabaldon.
Kasunod nito, nagbigay ng isang mensahe ng suporta si RTD Dayrit.
“Ang Department of Agriculture po ay hindi kaya ang lahat, kailangan po natin ang tulong ng bawat isa , ng ating LGU, at mga private sector. Ang Gabaldon po ay isa sa pangunahing pinanggagalingan ng mga sibuyas sa Nueva Ecija, kaya naman marapat lamang na bigyan po natin ng assistance ang mga magsasaka ng sibuyas dito sa Bayan ng Gabaldon”
Nagkaroon rin ng walkthrough at unveiling sa naturang pasilidad bilang parte ng pormal na pagbubukas ng Onion Cold Storage Facility.
Kasunod nito, nagkaroon ng paglalagda ng Memorandum of Agreement (MOA) at Deed donation sa pagitan ng DA RFO 3, LGU Gabaldon at ng Dupinga Sierra Madre Irrigators Association.
Sa huli ay nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang Chiarman ng Dupinga Sierra Madre Madre Irrigators Association, Inc na si Victoriano P. Costales at nangakong pangangalagaan ang naipagkaloob na pasilidad sa kanilang Samahan.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong
