Matagumpay na naisagawa ang ika-50 National Gawad Saka Awards na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong ika-30 ng Hunyo sa PhilRice Farmer’s Multipurpose Hall, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Ang Gawad Saka ay may layuning kilalanin at parangalan ang mga magsasaka, mangingisda, at organisasyon na may natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan.
Mula sa 43 nanalong indibidwal at grupo ay anim (6) ang nagmula sa Gitnang Luzon. Sila ay sina:
-Montey’s Food Enterprise – Oustanding Agricultural Entrepreneur (Micro Enterprise)
-Amanda’s Marine Products- Oustanding Agricultural Entrepreneur (Medium Enterprise)
-Provincial Government of Bulacan – Outstanding Provincial Local Government Unit
-New Rural Bank of San Leonardo (Nueva Ecija), Inc. – Outstanding Rural Financial Institution (Bank)
– RP Corpus Sales Enterprises- Outstanding Agricultural Entrepreneur (Small Enterprise)
– Dr. Dionisio G. Alvindia – Outstanding Agricultural Scientist
Kasama sa pagpaparangal sina Kalihim ng Agrikultura Francisco “Kiko” Tiu Laurel, Jr.; Regional Executive Director ng Gitnang Luzon Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr. kasama ang Operations Division Chief Elma Mananes.
Kasunod ng pagpaparangal ay nagkaroon ng dayalog ang Presidente sa mga magsasaka at mangingisda upang sagutin ang mga katanungan nila at makapagbigay ng mahahalagang update patungkol sa sektor ng agrikultura.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsSaPagsulong






