DARFO3, NAKIBAHAGI SA PAGSULONG NG PAMAHALAAN SA LIGTAS NA BANSA

Binakunahan ang apatnapu’t walong (48) kawani ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 (DARFO3) sa Conference Room ngayong ika-28 ng Hunyo sa ganap na alas-kwatro ng hapon.

Nilibot ni Regional Field Director Crispulo G. Bautista, Jr. ang bawat opisina ng DARFO3 upang hikayatin na magpabakuna ang mga kawani ng Kagawaran na hindi pa nakatatanggap ng COVID-19 Vaccine.

Ayon kay Ms. Evelyn Villafane, kawani ng Department of Agriculture na nakatanggap ng Sputnik Vaccine, nakaramdam man ng mabigat sa braso dahil sa bakuna, ngunit labis ang kaniyang kagalakan dahil patunay lamang na katuwang ng pamahalaan ang DARFO3 sa pagsulong ng ligtas na komunidad at protektadong pagtatrabaho.

Tinatayang 514 o 54.91% na kawani ng kagawaran ang nabakunahan na mula nang magsimula ang buwan ng Hunyo. Hangad ng DARFO3 na mabakunahan ang lahat ng kawani bago matapos ang buwan.

View Photo Gallery