SOA-Rabbit Episode 3: Selection of Rabbit Breeds for Specific Purposes


Makinig. Mag-aral. Mauto. Ito ang ikatlong pagsasahimpapawid ng Asenso sa Pagkukuneho: School-on-the-Air on Rabbit Production bukas, ika-15 ng Setyembre sa ganap na ika-7 ng hanggang ika-8 ng umaga.

Kalahok sa programang ito ay ang 500 magsasaka sa Nueva Ecija na nais matuto ng wastong pag-aalalaga ng kuneho.
Katuwang ng Department of Agriculture – Regional Field Office ng Region 3 ang ATI Central Luzon, Provincial Veterinary Office ng Nueva Ecija, at ang City/ Municipal Agriculture/Veterinary Offices ng nasabing probinsiya.