Patuloy ang pamamahagi ng libreng pataba ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa pangunguna ng Rice Banner Program sa mga magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa pamamagitan ng e-voucher.
Base sa ibinabang patakaran, ang halaga ng e-voucher ay nakabatay sa bilang ng natanggap na binhi ng magsasaka mula sa Regular Fund ng DA – Rice Program. Para sa isang bag ng hybrid seeds, may katumbas itong pataba na tatlong libong piso samantalang sa isang bag ng inbred seeds ay may katumbas itong dalawang libong pisong pataba.