#RCEF-RFFA || Pinangunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa pamamagitan ng Regional Field Office 3 at Municipal Agriculture Office ang pamamahagi ng tulong pinansiyal at intervention monitoring card sa mga magsasaka nitong ika-8 ng Pebrero na ginanap sa Sta. Cruz Covered Court, Lubao, Pampanga.
Sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA), makatatanggap ang isang magsasaka ng ayuda na nagkakahalaga ng Php 5,000 na direktang cash assistance.
Sa naging pahayag ng Officer-in-Charge ng Municipal Agriculture Office na si Perry Roque, nasa mahigit 900 na magsasaka ang mauunang mabibigyan ngayong araw. Inaasahang matatapos at makukumpleto ang pamamahagi sa Lubao sa darating na ika-28 ng Pebrero.
Ang pondong ito ay nagmula sa Php 7.6 bilyong na labis na koleksyon ng taripa mula sa pag-import ng bigas noong 2019 at 2020. Base sa ibinabang gabay, ang mga magsasakang Rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA na may lupang sakahan na may sukat na daawang ektarya pababa ang maaaring mapabilang sa mga benepisyaryo ng programa