4,871 magsasakang RSBSA-registered sa San Miguel, Bulacan nakatanggap mula sa RCEF-RFFA ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon katuwang ang Provincial at Municipal Local Government Unit ng Bulacan ay namahagi ng ayuda sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) sa 4,871 magsasaka ng palay mula San Miguel, Bulacan nitong ika-14 hanggang ika-16 ng Pebrero.
Nagkakahalaga ng 5,000 piso ang natatanggap ng bawat magsasakang may sinasaka ng hindi hihigit sa dalawang ektarya at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA. Ang RSBSA ay ang pormal na talaan ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang mga lehitimong magsasaka ng bansa.
Kasabay ng ayuda ay ang pagbibigay ng Interventions Monitoring Card (IMC) na magsisilbing cash card at ID ng magsasaka