Matagumapay na idinaos ang Harvest Festival ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Corn Banner Program katuwang ang Provincial Agriculture Office ng Pampanga ang kauna-unahang Corn Derby sa Gitnang Luzon nitong ika-16 ng Marso sa Anao, Mexico, Pampanga.
Ang kauna-unahang corn derby sa Gitnang Luzon ay isa sa mga inisyatibo ng Corn Program upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga magsasaka na makapili ng pinakamahusay na binhi ng mais na magbibigay ng masaganang ani at mataas na kita sa kanila.
Nilahukan ang derby ng anim na pribadong kumpanya ng binhi upang ipamalas ang kanilang pinaka-natatanging binhi ng mais. Binubuo ito ng Advanta Seeds Philippines; Asian Hybrid Seed Technologies, Inc.; Bayer Cropscience, Inc.; Bioseed Research Philippines, Inc.; Corteva Agriscience Philippines; at Syngenta.Ayon kay National Corn Program Consultant Dr. Candido Damo, napakahalaga ng pagpili ng magandang klase ng binhi dahil nakasalalay dito ang magandang ani.
“Ang 40% kasiguraduhan na masagana ang ani mo ay nakasalalay sa binhi at yung natitirang 60% ay nakasalalay naman sa pamamahala mo. Kaya kung hindi dekalidad ang gagamitin mo na binhi mawawala sa’yo ang 40% assurance na maganda ang ani mo.
Kaya sa ating mga magsasaka ng mais samantalahin natin ang ganitong activity ng DA Region.”Samantala, nanguna ang Bayer Crop Science sa variety nitong DK828S para sa kategoryang top yield performers o nakakuha ng pinakamasaganang ani na 8.42 mt/ha.; sinundan ito ng H102 ng Bioseed Research Philippines, Inc. na nagkamit ng 7.99mt/ha; at, P3585YHR ng Corteva Agriscience na nagkaroon naman ng 7.75 mt/ha na ani.
Sa katergoryang Highest Net Income Generated per Hectare nanguna parin ang Bayer Crop Science na nakakuha ng P59,513 para sa kanilang DK828S yellow corn variety; pumangalawa rito ang Bioseed Research Philippines, Inc. na may P57,747; at, ang PAC 339 ng Advanta Seeds Philippines na may P53,727.
Bukod dito, ang Advanta Seeds Philippines naman ang nakapagkamit ng Highest Shelling Recovery.Malaking pasasalamat naman ni Farmer-Cooperator Carlos “Tang Kaloy” Guevarra sa nakapagandang inisyatibo ng DA para sa kanilang magsasaka ng mais.“Isang napakahalangang bagay ito para sa aming magsasaka dito sa Mexico, Pampanga dahil nabigyan niyopo kami ng pagkakataong matulungan ng DA at ng mga seed campanies.
Maraming salamat po sa inyo.”Hikayat naman ni Regional Corn Program Coordinator Adela Peñalba para sa mga dumalong Provincial Corn Coordinators na i-replicate ang derby sa kani-kanilang lalawigan upang mas maraming magsasaka ng mais ang makinabang sa programa.