DA Ambassador || Nakilahok ang bagong Ambassador ng Department of Agriculture na si Alexandra Faith Garcia sa paglunsad ng programang Fuel Discount para sa mga magsasaka at mangingisda nitong ika-21 ng Marso na ginanap sa Subic, Zambales.

Tinanghal na unang pilipinang nanalo bilang Miss Aura International 2021, si Garcia ngayon ay parte ng Food Always In The Home (FAITH) na proyekto sa ilalim ng programang Urban Agriculture ng DA.

“Ang pangalan ko po ay Faith na tulad ng tagline ng DA na Food Always In The Home. Ang ginagawa ko po ngayon ay pumupunta po ako sa mga eskwelahan at mga beneficiaries po ng DSWD para mamigay ng mga seeds para po makapag-umpisa po silang makapagtanim,” sambit ni Garcia.

Naniniwala si Ambassador Garcia na magagamit niya ang kaniyang boses at kakayanan upang mahikayat ang mga kabataang pumasok sa sektor ng agrikultura. “Gusto ko pong maging simbolo sa mga kabataan na marami pong pagkukuhanan na business sa agriculture,” dagdag niya.

Matatandaang noong nakaraang taon ay opisyal na napabilang si Garcia sa mga ambassador ng kagawaran na sina James Reid at Agri Biz Founder Cherrie Atilano.

#OneDA

#DACentralLuzon