Katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon, ang Central Luzon Seed Growers Federation ay matagumpay na naisagawa ang kanilang harvest festival ng mga inbred rice varieties nitong ika-22 ng Marso sa Quezon, Nueva Ecija.
Dinaluhan ang nasabing harvest festival ni Regional Seed Coordinator ng DA na si Christian Ramos; bawat chairman ng lahat ng kooperatibang binubuo ng pederasyon, Provincial Agriculturist at Provincial Seed Coordinator ng Nueva Ecija; mga kamanggagawa mula sa Local Government Unit ng Quezon; at kawani mula sa DA National Seed Quality Control Services.
Nilalayon ng harvest festival ng ipakita ang potensyal at kakayahang makipagsabayan ng bawat inbred na variety kung ikukumpara sa mga hybrid na palay. Isa ang NSIC Rc 480 sa may pinakamataas na naaning aabot sa 9.5 tons kada ektarya. Ilan din sa mga variety ng inbred rice na inani ay ang NSIC Rc 402, NSIC Rc 222 at NSIC Rc 436.
Ayon kay Quezon Virgilio Quijano ng CLSGMPC kayang makisabay ng mga inbred sa hybrid variety kung tama ang pamamahala at gawi sa palayan.“Napakaimportante ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng mga itinuturo ng DA PhilRice at malaking importansya din ang paggamit ng mga makinarya sa palayan.
Kaya sa aking mga kapwa magsasaka ay ugaliin po nating makipag-ugnayan sa DA para malaman natin ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.”