Dinaluhan ng Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) William Dar ang selebrasyon ng ika-29 na anibersaryo ng Philippine Carabao Center na may temang “PCC at 29: Achieving Milestones through Grit and Resiliency” na ginanap nitong ika-25 ng Marso sa Science City of Munoz, Nueva Ecija.

Ang tema ay upang maipakita ang 10 katagumpayan sa pag-unlad ng DA-PCC na binubuo ng; karagdagang pagpapalawak ng carabao value-chain sa pamamagitan ng Carabao-based Business Improvement Network at ang Coconut-Carabao Development Project; partisipasyon ng mga magsasaka ng dairy buffalo sa national milk feeding program; komersyalisasyon ng Karabun technology at Dairy Box business modality; pagpaparehistro sa IPO Philippines ng PCC na binuo ng mga intelektwal na ari-arian, halimbawa nito ang Dairy Box, Kardeli, at Nyogurt; pagbuo ng iHealth at iFodder mobile app; pag-update ng Dairy Buffalo Handbook; Pambansang GAHP Certification ng DA-PCC sa Institutional Herd ng CSU; appointment bilang National Livestock Cryobank; at napapanatiling mga sertipikasyon ng ISO.

Sa mensahe ni Kalihim Dar, pinuri nito ang natatanging kontribusyon ng PCC sa industriya ng paghahayupan at pagawaan ng gatas sa pamamagitan ng pagsisikap nito sa animal biotechnology at pagpapaunlad ng teknolohiya lalu na sa pagpapabuti ng produksyon ng kalabaw. “Ako ay nalulugod na napanatili ninyo ang pananaw na ito sa loob ng 29 na taon na nagresulta sa kahusayan ng inyong paghahatid ng serbisyo na naaayon sa ating layunin na isang bansang may seguridad sa pagkain at maunlad at matatag na mga magsasaka”, pagbati ang Kalihim na isinalin sa wikang Tagalog.

Samantala, dagdag pa nito na malaki parin ang hamon lalu na sa lebel ng produksyon ng gatas sa Pilipinas na may 1.6% ng kabuuang pangangailangan. Kung ikukumpara sa pang-araw-araw na produksyon ng gatas sa United States at United Kingdom na 20 hanggang 30 na litro.

Ibinahagi rin ni Dar na ang pang-araw-araw na produksyon ng gatas ng Pilipinas ay umaabot lamang sa walong litro. Kaya’t isang hamon ng Kalihim na doblehin ang pagsisikap ng PCC upang mapataas ang produksyon ng gatas, maging karne at pagpapaunlad ng mga produktong mula dito.

Kinakailangan ang tamang pagpapatupad ng mga programa at resulta ng pananaliksik ng PCC, kasama ang paghihikayat sa mga pamumuhunan ng pribadong sektor.

Tiniyak naman ni OIC-Executive Director ng DA-PCC na si Dr. Ronnie Domingo, na patuloy na palalakasin ng ahensya ang pagpapatupad ng Carabao Industry Roadmap para sa taong 2020-2025, ang pagpapatupad ng School-based Milk Feeding Program, at ang operasyon ng Carabao-based Business Improvement Network at Coconut-Carabao Development projects.

#OneDA#DACentralLuzon