Iginawad ng Kagawaran (DA) ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa mga kwalipikadong grupo ng mga magsasaka o kooperatiba at Local Government Units ang sampung milyong piso (10M) kaloob na kapital mula sa programang Enhanced KADIWA nitong ika-19 ng Abril na ginanap sa Orchid Gardens Hotel, City of San Fernando, Pampanga.

Ang Enhanced KADIWA Financial Grant ay layuning pahusayin ang mga kapasidad ng mga organisasyon ng mga magsasaka at mangingisda upang maging mas maaasahang mga supplier ng mga kalakal ng pagkain sa mga mamimili at para sa mga organisasyong nakabatay sa komunidad na patuloy na magpatakbo ng mga retail na tindahan ng KADIWA.

Dinaluhan ang awarding ceremony nina DA Undersecretary for Consumer and Political Affairs Kristine Evangelista; Senator Imee Marcos Representative Atty. Mc Anthony Liggayu; Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr. at Hepe ng Agribusiness and Marketing Assistance Division Fernando Lorenzo.Sa mensahe ni Usec. Evangelista hangad nito na magpatuloy ang programang Enhanced Kadiwa hanggang sa mga susunod na administrasyon dahil napakalaki ang nagiging tulong nito sa mga magsasaka.

Dagdag pa nitong paghihikayat sa grupo ng mga magsasaka na gamitin ng maayos ang kaloob na tulong pinansyal upang makaulit sa programa.Binubuo ng mga nakatanggap ng grant ang mga sumusunod:- ​LGU Casiguran – 5M- ​Samagang Ugnayan ng mga Kababaihang mag-iisda ng Paltik – 500K- ​LGU Pantabangan – 2.5M- ​Kapampangan Development Foundation, Inc. – 1M- ​Pansinao Parents Agricultural Association – 1M

#OneDA#DACentralLuzon