Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon ng pagsasanay para sa Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) ng Bataan at Zambales sa Venezia Hotel, Subic, Zambales ngayong ika-19 ng Oktubre.Ito ay tatlong araw na pagsasanay mula ika-19 hanggang ika-21 ng Oktubre, sa Paghahanda ng Project Proposal, Business Plan, at Cluster Development Plan.

Ang pagsasanay ay sa ilalim ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program, isang Administrative Order No.27 na nilikha para sa mga magsasaka at mangingisda.Layunin nitong mapataas ang antas ng produksyon, mas mapataas ang kita at mabigyan ang mga ito ng mas mahusay o mas madaling daan tungo sa mga mapagkukunan, teknolohiya, at merkado.Pinangunahan ito nina F2C2 Focal Person Eduviges Pelayo at Alternate Focal Person Shiela Hipolito kasama ang mga miyembro ng F2C2 ng kagawaran.Nilalayon din nitong makabuo ng mas malakas na ugnayan sa pagitan ng mga prodyuser ng sakahan at merkado.

#DACentralLuzonKatuwangSaPagAhon