Sa temang “Epekto ng Pandemya sa Agrikultura, Labanan Kamagsasaka Mekanisasyon, Diberpikasyon at Negosyong Pangsakahan ating Palakasin at Palaganapin–NOW NA!”, ginanap ang 8th Palayan City Farmer’s Congress nitong ika-10 ng Nobyembre sa Palayan City Farmers Plaza.
Layunin ng naturang pagpupulong na kilalanin at bigyang pagpupugay ang mga magsasaka ng Nueva Ecija. Bilang kinatawan ni Kagawaran ng Pagsasaka Senior Undersecretary Domingo Panganiban, personal na dumalo si Regional Executive Director Crispulo G. Bautista, Jr.Sa mensahe pinadala ni Senior Undersecretary Panganiban aniya ay may binalangkas na isang multi-bilyong pisong Investment Program para sa susunod na anim na taon, na nakalaan sa Lalawigan ng Nueva Ecija at naglalayong:
1. Magbigay sa mga magsasaka ng dekalidad na binhi, makinarya, at ayuda sa langis at pataba;
2. Paunlarin at palalawakin ang mga farm-to-market roads at sistema ng irigasyon;
3. Pondohan ang pagtatayo ng mga karagdagang warehouse at drying pavements sa lalawigan; at
4. Paramihin ang hog stocks na napinsala ng African Swine Fever – gayundin ay gabayan at turuan ang ating mga magbababoy upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa pamamagitan ng INSPIRE program.
Samantala, muling pinaalalahanan ni RED Bautista ang mga magsasaka na magpa miyembro sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
1919