Matagumpay na naisagawa ang pagbubukas ng Organic Agriculture Trade Fair sa Gitnang Luzon bilang pakikiisa sa 10th Organic Agriculture Month Celebration na may temang “Kabuhayang OA, Kinabukasang OK: PGS Pinalakas para sa Bagong Pilipinas.” sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon Organic Agriculture Program (OAP) noong ika-11 ng Nobyembre na ginanap sa Diosdado Macapagal Government Center, Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.
Sinimulan ang pagbubukas ng ng Organic Agriculture Trade Fair sa isang ribbon cutting na pinangunahan ni Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., Regional Technical Director Arthur D. Dayrit, Ph.D.
Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1030 nilabas noong 2015, ipinagdiriwang ang Organic Agriculture Month sa Pilipinas tuwing buwan ng Nobyembre.
Layunin ng selebrasyon na ito na kilalanin ang kahalagahan ng organikong agrikultura at hikayatun ang mga magsasaka na mag taguyod ng kaunlaran upang mas mapaunlad ang agrikultura habang pinapangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng publiko, tungo sa mas ligtas at masustansiyang pagkain para sa lahat.
Tampok sa OA Trade Fair ang iba’t ibang mga organikong mga produkto gaya ng kape, fruit juice, mushroom chips, veggie noodles, brown rice, organic wine at iba pa mula sa Oraganic Farmers of Dist 6 ng Bulacan, Joyful Garden Farm Organic Farmers Association inc. mula sa Bulacan, Tarlac Organic Producers-PGS Association Inc., San Juan Ph mula sa at Nutri Delight mula sa Pampanga.