Isinagawa ang farm tour sa Garma’s-Bueno Farm School and Training Center, Inc. sa Brgy. Gossood, Mayantoc, Tarlac noong ika-28 ng Nobyembre bilang bahagi ng 1st International Participatory Guarantee System (PGS) Summit.

Ang summit na ito ay idinaos mula ika-26 hanggang 28 ng Nobyembre bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng global PGS initiative.

Layunin nitong pagsama-samahin ang mga organic agriculture practitioners at PGS experts mula sa iba’t ibang bansa upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng PGS, palakasin ang implementasyon nito, at magbahagi ng kaalaman at karanasan sa organikong pagsasaka.

Bahagi ng summit ang farm tours na nagpakita ng aktwal na aplikasyon ng PGS model.

Napili ang Garma’s-Bueno Farm School and Training Center, Inc. bilang isa sa tatlong farms sa bansa para sa farm tour dahil sa dedikasyon nito sa organikong pagsasaka at aktibong papel sa pagpapalaganap ng PGS model. Ang iba pang farms na pinagdausan ay ang Luntiang Republika Ecofarms Corporation at Gintong Bukid Farm and Leisure sa Rehiyon 4A.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga delegado mula sa ibang bansa na nagkaroon ng pagkakataong makita ang aktwal na implementasyon ng organikong pamamaraan sa farm. Ibinahagi ni Ginoong Tomy Garma, may-ari ng farm, at ng mga kasapi ng Tarlac Organic Producers PGS Association, Inc., ang kanilang mga karanasan at epektibong pamamaraan sa organikong pagsasaka.

Matapos ang farm tour, nagkaroon ng talakayan kung saan malayang nakipagpalitan ng tanong at sagot ang mga delegado at ang mga miyembro ng farm.

Pinangunahan ang aktibidad ng National Organic Agriculture Program (NOAP) katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office III – Regional Organic Agriculture Program, Agricultural Training Institute – Regional Training Center III, Tarlac Provincial Agriculture Office, at lokal na pamahalaan ng Mayantoc.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong