Pinangunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ang isinagawang Banner Programs 1st Quarter Coordination Meeting nitong ika-24 hanggang 25 ng Enero sa Don Juico Avenue, Clarkview, Malabanias, Angeles City, Pampanga.

Ito ay dinaluhan ng bawat provincial counterparts ng mga lalawigan ng Gitnang Luzon.Sa naging mensahe ni Regional Executive Director Crispulo G. Bautista Jr., mahalaga ‘di umano ang pagtutulungan at kooperasyon ng DA RFO 3 at lokal na pamahalaan ng bawat lalawigan. “Hindi magiging successful ang mga identified programs sa 2023 budget kung wala ang cooperation ninyong mga counterparts namin sa Local Government Units specifically sa ating mga province at munisipyo, kailangan namin ang inyong patuloy na suporta for the implementation of the programs and projects,” dagdag pa ni RD Bautista.

Bilang pagsisimula, nagbigay ng ulat ang Rice Banner Program Focal Person Lowell Rebillaco patungkol sa Management Letter of Commission on Audit for the Rice Resiliency Project 2. Samantala, tinalakay ni Rice Report Officer Mario Somera ang tungkol sa Planting-Harvesting Reports para sa Rice Banner Program.

Napag-usapan din sa unang araw ang hinggil sa Status ng 21-0-0 Distribution under Quick Response Fund of Fabian, et. al at RCEF Provinces, 2021 at 2022 RCEF-RFFA, Status of BioPrime Nano Fertilizer under Quick Response Fund of Fabian et. al., FY 2022 Soil Ameliorants, 2022-2023 DS Cropping Bio-N, Fertilizer Discount Voucher FY 2022.Karagdagan pa rito, naiulat din ang tungkol sa Requirements of Merchant Accreditation in RCEF Provinces, Updates on In-Kind Fertilizer 2022-2023 Dry Season Cropping, 2022 Farm Mechanization, Local Farmer Technicians & Philippine Rice Information System, 2022 Farm Clustering, 2022 FFS, RCM 2022 Implementation at Validation of Composting Facilities for Biodegradable Waste.

Para sa huling araw, naglahad ng update ang iba pang banner programs patungkol sa status ng kani-kanilang proyekto at programang isinasagawa.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon