Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang 1st Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Executive Meeting nitong ika-2 ng Marso sa DA RFO 3 Conference Room, Capitol Compound, City of San Fernando, Pampanga.
Pinangunahan ito ni Planning, Monitoring and Evaluation Division Chief Noli Sambo, RAFC Chairperson Engr. Francisco Hernandez at RAFC Vice Chairperson Onesimo Romano kasama sina RAFC Coordinator Lordelyn Dela Cruz at RAFC Staff Aira Joy Abrigos.
Inaprubahan at binasa rito ang mga resolusyon na naimplementa base sa unang RAFC Sectoral Meeting noong ika-16 ng Pebrero.
Sa naging mensahe ni Engr. Hernandez, iminungkahi niya na ang pagtutulungan ay magiging mainam para ang bawat isa ay umahon.
“Welcome sa ating unang executive committee meeting at sana sa araw na ito tulungan natin ang ating mga presiding officers na mabalangkas pang lalo kung ano nga ba ‘yung ating magagawa bilang mga magsasaka at mga mangingisda dito sa ating rehiyon para sabay sabay talaga tayong umahon,” pahayag niya.
Samantala, tinalakay naman ni Project Evaluation Officer II Anabelle Mendoza ang tungkol sa Magna Carta of Women.
“Ang Magna Carta of Women o ang Republic Act No. 9710 ay isang batas na nagbigigay proteksiyon sa mga kababaihan,” saad niya.
Iprinisinta rin dito ang mga aktibidad para sa taong 2023, mga aktibidad para sa mga magsasaka, status ng OGEAFC, sectoral committee chairpersons report at pagsasagawa ng annual RAFC sectoral committee meeting.